8.09.2009

Ang Washing Machine


Wala ba talaga akong talento sa paglalaba o sadyang ang paglalaba ang ayaw sa akin? Baka naman isa na naman itong pagtutulak ng teknolohiya sa akin papalayo? O di kaya'y isa lang akong napakalaking tanga? Tanga!

Malay ko ba na may mga appliances na magkakaiba ang boltahe. Sa amin naman kasi'y iisa lang. Dulot ng kagustuhang ipakita sa ina na kayang mabuhay ng mag-isa at dulot na rin ng nagbabadyang kahirapan, ako'y nagpasyang maglaba. Di pa nga nagsisimula ang paglalaba ay nagkaroon na ng aberya. Mahinang boom! sabay ng pagsaksak ng plug. At 'dun lang nakita ang nakasulat sa mga outlet malapit sa washing machine. 110V. 220V. Ano ang nagawa ko?

Suma total, pumutok ang washing machine. At dahil basa na ang mga damit sa loob ng washing machine ay di na ito madadala sa laundrymat. Go sa handwash ang ginawa. Eto ako ngayon at nagtitipid ng mabayaran ang nasirang washing machine. Bow!

1 comment:

ree said...

hehehe! ahaka gud.